updates, updates
after so long, ngayon na lang ulit nakapag blog. sobrang hectic ng sched namin sa review na may mga times na 2 weeks straight eh wala kaming off. may mga days pa na inaabot kami ng lagpas 9pm para lang mahabol ang lahat ng dapat ma-tackle.
di man ako nakakadalaw sa sarili kong blog. salamat pa rin sa mga patuloy na bumibisita at nag-iiwan ng comment. pag nakahanap naman ako ng time, siguradong mag-uupdate ako. at sa mga nagcomment, pasensya na kung hindi ko agad masagot ha. sana hindi kayo magsawang magcomment
pagdating sa lovelife, wala pa akong dapat iupdate. masyado pang “masalimuot” hehe. pero nakakataba ng puso na kahit papaano ay may mga tao pa ring nagtatangka. malamang malabo lang talaga ang mga mata nila o di kaya may mga psychosis hehe.
with regards to my review experience, okay naman. maraming mga inputs ang magagamit ko pag dating ng araw. sa mga classmates ko naman sa review, mababait naman sila. wala namang nangangagat. marami rin akong new found friends. mga ka-batch ko sa school kaso ngayon ko lang din nakasama at mas nakilala. minsan, mukha na nga akong muse lalo na pag ako lang ang nakaksama nilang girl pag uwian na. pero take note, kahit mukha silang mga cool boys, grabe naman sa sipag mag-aral. daig pa ako!
nung isang araw, nagpasya kaming bumisita sa sto. domingo church. nandun kasi ang lady of manaoag. syempre nag offer ako ng prayer. di na ako humiling ng kung ano pa. basta sinabi ko na lang sa kanya na kung ano ang plano nya para sa akin, i will accept it.
supposed to be, pupunta kami ng baclaran today after our exam. kaso yung mga boys na kasama ko eh may exam pa pala na hindi nila na take before. kaya eto, uwi na lang muna ako para makapag pahinga kse di ko kaya maghintay sa kanila for their 200 item exam. next time na lang siguro namin planuhin ang pagtirik ng kandila sa baclaran.
sa mga panahon ngayon, i would need all the help i could get. lalo na spiritually. hindi lang dahil sa papalapit na board exam. pati na rin for my emotional, psychological and financial stability.
ewan ko nga ba. religious naman ako dati lalo na at galing ako sa pagpapalaki ng mga madre at pari na dominican at thomasian. pero simula ng pumasok ako sa up, medyo nabawasan na.
nagdarasal pa rin naman ako ngayon, pero more of personal dialogue with Him ang ginagawa ko. alam ko it’s not enough.
hay naku. my time is almost up. halo-halo na ang laman ng entry na to. halata bang gutom na? di pa ako nag-lunch and it’s past 2pm na. will just grab a quick bite, then shower, then hit the books again.
life!!!
May 8, 2008 at 2:29 am
hi guys! plug lng po ulit
- available na po yung chapter 13 ng walang paglagyan sa tagalog online pocketbook
- http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/2008/05/07/kabanata-13-walang-paglagyan/
- need ko lang po tlaga ng suggestion pra sa last two chapters kasi lately na ba-blanko isipan ko, pasensya na.
May 12, 2008 at 12:25 pm
malapit na pala ang board exam.. go go go!! kaya mo yan!
May 29, 2008 at 5:22 pm
salamat everyone