florence nightingale award???

florence_nightingalepng.jpg

Florence Nightingale

 

for the nursing profession, Florence is the embodiment of what a nurse should be.  trailblazing the way for modern nursing, she serves as an inspiration to nurses and student nurses alike.  turning her back to a rich and comfortable life, she chose to serve and take care of the sick, wounded and the poor.

 

so ano ang relevance ng entry na ito sa kanya? well, if you don’t know yet, i’m an aspiring nurse.  and yes, i do hope to serve those who are in need more than the monetary benefits.  di po ako plastic, sadyang mapag-alaga po ako.  pero syempre, if you love your work, your work will love you also. kaya secondary na lang ang dollars hehe   :)

 

so ano na nga ulit ang koneksyon ng entry ko sa kanya?

 

this afternoon, while i was waiting in line for my cases to be reviewed by our clinical instructor, i was approached by another instructor.  he motioned that i come to a more private area in our mini-hospital.  he congratulated me for being shortlisted for those who will graduate with honors.  aside from that, he said that there is a very high possibility that i will be given the nightingale award.

 

ang sagot ko?

 

sir, thank you. but i don’t want to assume that i will be chosen for all the things you’ve said.  if i do receive those blessings… salamat. if not, salamat pa rin :)

 

di ko yata ma-imagine na maihahalintulad ako kay nightingale.  isang imahen ng pagiging matulungin, maalaga at higit sa lahat mahinhin hehe.  sa picture pa lang, kita nyo naman ang poise and grace ni florence.  parang di bagay sa akin.  sabagay, kung paliliparin ang matinding imahenasyon, baka bumagay na rin sa akin ang florence na naka mini-skirt at naka racing helmet :) 

 

pero sa totoo lang, palaban itong si florence. biro mo ba naman na piliin na talikuran ang marangyang buhay para alagaan ang mga sundalong sugatan sa Crimean war.  o di ba astig?  naalala ko tuloy nung nagduduty pa kami sa manila naval hospital at fort bonifacio hospital.  may time na nang-iintimidate ang mga sugatang sundalo sa mga nursing student na katulad ko.  pero sige lang, kailangang maging firm at di dapat magpakita ng pagka-ilang. kahit gusto ko na lagyan ng catheter na walang lubricant eh pilit kong pinigilan ang sarili at ngumiti na lang habang kinukuha ko ang bp nya.

 

di biro maging nurse.  sa loob ng 3 taon na pag-aaral, naramdaman ko ang hirap ng propesyon na ito.  the dedication and the passion to serve and help others must always be there.  kahit pa nakikita namin na masusungit ang ilang mga nurses sa mga government hospitals, ilang beses ko inuuli-ulit sa sarili ko na hindi ako magiging katulad nila.

 

sana nga matapos ko na ang kursong ito. ilang linggo na lang naman.  pero syempre dun pa lang magsisimula ang totoong hamon ng nursing profession.  nandyan pa ang board exams, cgfns, nclex, ielts at iba pa.

 

siguro, kung matatanggap ko man ang award na ito. eh magsisilbing matinding hamon sa akin na gayahin man lang, kahit sa hamak kong pamamaraan ang mga nagawa ni florence.   

 

 

6 Responses to “florence nightingale award???”

  1. foobarph Says:

    hmm…… story between a soldier and a nurse…… is there such thing? (bagong inspirasyon ito ah)

    but you know, i think you deserve it. ^_^

    ________________________

    PLUGGING: ei guys! available na po pala ang kabanata 6 ng walang paglagyan series sa tagalog online pocketbook. medyo natagalan yung iba kaya feel free to jump in na lang (i remember yung jumper na movie! gusto ko gumawa ng fan fiction. lolz!)

    eto pala yung URL. saka kung may mga mini button kayo para sa mga website nyo kagaya nung sa akin, feel free to send it over and i li link ko kayo through that.

    you can also link us through our button na rin if possible para added pogi looks sa page nyo. (nasa ilalim ng kalendaryo yung mini button. ahehe)

    that’s all for now for the plugging, thanks!

    http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/2008/03/08/kabanata-6-walang-paglagyan/

    (for sure marami akong barok/wrong spellings here, feel free to point it out. kung sino may pinakamaraming corrections, isasama ko sa series. ahehe. [series na ipapakain sa leon, nyahaha!])

  2. paolo Says:

    hi, of-topic ha.

    nabasa ko dun sa other blog mo yun jalajala rizal immersion nyo. small favor naman :) can you write something about your jalajala experience then i will post it in my blog. gusto ko lang sana mabasa ng mga taga amin what jalajala is like thru the eyes of someone na hindi taga dun.i know you’re very busy but i hope you can find time to write something :)

    salamat in advance hehe

    you can email me here : blas_ople_experience@yahoo.de

  3. Fau Rafili Says:

    sana nga matanggap mo.

  4. ladyracer Says:

    foo> pwedeng ngang plot yang story mo about a nurse hehe. sige check ko ang latest chapter mo. ngayon lang ulit ako nagkaron ng time eh. kakatapos lang finals ko yesterday! :)

    paolo> sige i will try to write something about jalajala. medyo pahinga lang muna brain cells ko. but i did enjoy my stay there. sobrang warm ng mga tao :)

    fau> sana nga kasi sayang din yun hehe

  5. paolo Says:

    uhmmmmm… asan na po un isusulat mo sanang about sa jalajala? :D

    may mga taga JRU nursing students kasi na nag immersion this week sa Jalajala, i was hoping i can post your story this week :) sana hehe

  6. ladyracer Says:

    paolo> sorry ha medyo busy lang po sa review. pag hindi na ako toxic makakagawa na ako ng article about my jala-jala experience. more power nga pala sa website :)

Leave a Reply